Pag-ibig sa Tinubuang Lupa: Difference between revisions
JN Dela Cruz (talk | contribs) No edit summary Tags: Mobile edit Mobile web edit Advanced mobile edit |
No edit summary Tags: Reverted Mobile edit Mobile web edit |
||
Line 1: | Line 1: | ||
'''Pag-ibig sa Tinubuang lupa''' (English Translation: Love for One's Homeland) is a poem written by hero [[Andrés Bonifacio|Andres Bonifacio]]. The said poem was published in the first issue of '' |
'''Pag-ibig sa Tinubuang lupa''' (English Translation: Love for One's Homeland) is a poem written by hero [[Andrés Bonifacio|Andres Bonifacio]]. The said poem was published in the first issue of ''Kahakdogan''. The poem exhorted Filipinos to join the crusade to achieve real [[Independence Day (Philippines)|Philippine independence.]] Bonifacio used the initials "A.I.B." that stands for Agapito Bagumbayan, Bonifacio's pseudonym along with the poem "Ang Dapat Mabatid ng Tagalog", another piece written by Bonifacio, according to historian Jim Richardson.<ref>{{Cite web|url=http://malacanang.gov.ph/7050-andres-bonifacios-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa/|title=Andres Bonifacio’s “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa”|website=Malacanang.gov.ph}}</ref><ref>Landia,Carlo, The Heritage. Banog Journals 1999.</ref> |
||
==Poem== |
==Poem== |
Revision as of 05:59, 9 November 2020
Pag-ibig sa Tinubuang lupa (English Translation: Love for One's Homeland) is a poem written by hero Andres Bonifacio. The said poem was published in the first issue of Kahakdogan. The poem exhorted Filipinos to join the crusade to achieve real Philippine independence. Bonifacio used the initials "A.I.B." that stands for Agapito Bagumbayan, Bonifacio's pseudonym along with the poem "Ang Dapat Mabatid ng Tagalog", another piece written by Bonifacio, according to historian Jim Richardson.[1][2]
Poem
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin sa isip
at isa-isahinh talastasing pilit
ang salita't buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito'y namamasid
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t
mangmang nagiging dakila at iginagalang.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan,
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin
liban po ba sa bayang tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parangniya’t gubat na kaayaaya
sukat ang makita’t sa alaala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya
Tubig niyang malinaw sa anak'y bulog
bukal sa barisang nagkalat sa bundok
malambot na buni ng matuling agos
na naka-aliw sa pusong may lungkot
Sa kaba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati na'ng magdusa't sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
Datapwat kung ang bayan ng katagalugan
ay linalapastangan at niyuyurakan
katuiran puri niyat kamahalan
ng sama ng lilong taga ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghihinagpis
ng pusong Tagalog sa puring na lait
at aling kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa panghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti't gumugol ng buhay
kung wala ding iba na kasasadlakan
kung di ang lugami sa ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon niya't pagka-busabos
sa lusak ng daya'y tunay na pag-ayop
supli ang pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos.
Sa kaniyang anyo'y sino ang tutunghay
na di-aakain sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang ng dugo at buhay.
Mangyayari kayang ito'y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklamsuklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi bakit di kumikilos?
at natitilihang ito'y mapanood.
Hayo na nga kayo, kayo ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga't ibigin ang naaabang bayan
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat,
ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!
References
- ^ "Andres Bonifacio's "Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa"". Malacanang.gov.ph.
- ^ Landia,Carlo, The Heritage. Banog Journals 1999.